Akopium - One of The Best News Article Site » Your Hot News Community in India ✅

Discover day by day incredible news and grate articles come with ✅ Your Community - Akopium India

10-year challenge ng isang ama kasama ang kaniyang anak at mga alagang hayop hinangaan ng publiko!

Naging sikat na sikat sa publiko ang “photo recreation” o “photo comparison” challenge na ito lalo na sa social media. Talaga namang nakakamanghang makita ang pagbabago sa loob ng sampung taon.

Taong 2008 nang isinilang ang anak ni Mr. Huang na si Tiffany. Nang taon din na iyon ay nakuhanan ng kaniyang misis ang larawan nilang mag-ama habang nanunuod sila ng telebisyon.


Maging ang dalawang alagang hayop nila ay naisama na rin sa naturang larawan. Dahil sa larawan na ito ay nagkaroon ng ideya si Mr. Huang na gawin ito taon-taon.

Ayon sa naging pahayag noon ni Mr. Huang, kakatapos lamang niyang palitan ng diaper ang kaniyang anak na si Tiffany ng mga oras na iyon. Nais niya sanang mamahinga sandali sa kanilang sofa ngunit bigla na lamang nahiga sa kaniyang binti ang kanilang aso kasunod na ang kanilang pusa na tila nagpapakamot pa ng kaniyang batok.

Naging tradisyon na nila ito taon-taon na hindi rin naman inatrasan ng kaniyang anak na lumaking magandang bata. Talagang palaki na ng palaki si Tiffany sa mga larawan at nakasuot na rin siya ng salamin niya.


Ngunit hindi ito naging hadlang upang hindi siya tumabi at yumakap sa kaniyang ama. Ayon pa kay Mr. Huang, hindi lamang isang “challenge” ang tingin niya sa ginawa nilang ito, bagkus ay nais din niyang mamulat ang mga netizens na isama at ituring bilang bahagi ng pamilya ang kanilang mga alagang hayop.

Huwag sana silang ituring na basta hayop lamang.

“I still had furbabies at home while my daughter was growing up. She has been raised well all these years. She is healthy, and has become a gentle and caring person to animals and everyone else.” Komento ni Mr. Huang.

“Come to think of it, there is nothing really special about this series of photos, but when we look back at the photos after ten or twenty years, they are indeed irreplaceable precious memories!” Dagdag pa niya.

Updated: July 27, 2022 — 6:49 am

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Akopium - One of The Best News Article Site » opy; 2022 Frontier Theme