Akopium - One of The Best News Article Site » Your Hot News Community in India ✅

Discover day by day incredible news and grate articles come with ✅ Your Community - Akopium India

Isang cute na bata ang nagbihis bilang isang leon, ito ang naging reaksyon ng totoong leon ng magkita sila sa isang zoo!

Kinagiliwan ng publiko ang isang napakacute na batang ito na nakasuot na parang isang leon. Tila nakikipag-usap ito sa isang totoong leon sa kaniyang harapan habang salamin lamang ang nakapagitan sa kanila.

Ito ay kuha sa Zoo Atlanta sa Georgia. Ang naturang video ay kuha mismo ng kaniyang ninong na si Cami Famming. Maraming mga netizens ang hindi napigilang magkomento at magpahayag ng kanilang mga reaksyon nang makita nila ang napakacute na batang ito at ang pambihirang reaksyon ng dambuhalang leon.

“My close friend and I took our 11 month old godson to Zoo Atlanta for a little god family outing… Our godson’s name is Aryeh, which means lion in Hebrew, so his mom packed his lion costume.” Caption in Cami sa kaniyang social media post.

Kitang-kita kung gaano kabibo at ka-cute ang batang si Aryeh habang sinisiyasat niya ang malaking leon na nasa kaniyang harapan. Agad naman siyang napansin ng leon, tila inamoy-amoy pa ito at saka inilagay ang kaniyang kamay sa barrier.


Nang mapansin ng leon na hindi niya naman kayang hawakan si Aryeh ay bigla na lamang itong tumingin palayo.

“The lions were immediately interested in our little lion cub, and it wasn’t long before they couldn’t stand their curiosity any longer and came right up to the glass,” Dagdag pa ni Cami.

Ilang minuto ring nagkatitigan si Aryeh at ang malaking leon na ito. Ilang mga larawan at videos rin ang nakuha ang kaniyang pamilya.

Hindi rin naman nagtagal at kinuha na nila si Aryeh dahil ayaw din naman nila na mayroon pang ibang mangyari na hindi nila inaasahan. Tunay ngang naging napakasaya ng karanasan na ito ni Aryeh at ng kaniyang buong pamilya.

Dahil hindi rin naman araw-araw ay maaari silang makakita at makipagtitigan sa dambuhala at madalas ay nakakatakot na hayop na ito sa isang zoo.

Updated: July 30, 2022 — 3:50 pm

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Akopium - One of The Best News Article Site » opy; 2022 Frontier Theme