Akopium - One of The Best News Article Site » Your Hot News Community in India ✅

Discover day by day incredible news and grate articles come with ✅ Your Community - Akopium India

Isang alagang aso, naluha nang maramdaman na ipamimigay na siya ng kaniyang amo sa iba!

Tipikal na para sa maraming Pilipino ang pagkakaroon ng alagang hayop o pet. Talaga namang kasing nakakarelaks ang pagkakaroon ng alagang aso, pusa, ibon, hamster, rabbit, at marami pang iba.

Madalas din itong gawing regalo ng mga magulang sa kanilang mga anak dahil nakakatulong din ito sa pagiging responsable ng mga bata. Ang pagkakaroon ng alagang hayop ay hindi lamang palaging simple at masaya.

Tandaan natin na madalas ay kailangan din natin ng matinding pagsasakripisyo dito. Kailangan kasi ng mga hayop na ito ng pag-aalaga, atensyon, pagkalinga, at pagmamahal natin.

Ngunit higit pa rito ay kailangan din nila ng pagkain, matitirhan, at iba pang mga pangangailangan na kailangan ng pinansyal nating kapabilidad. Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng marami ang kwento ng isang dog owner na ito na kinailangang ipamigay ang kaniyang alagang aso sa iba dahil sa hindi na nito kaya pang buhayin ang kaniyang alaga.

Isang araw ay nagpunta pala sa isang tindahan ang lalaking ito, may dalang maliit na bag at kasama ang kaniyang alagang aso. Umalis din ito kaagad ngunit bumalik kinabukasan.


Kinausap nito ang may-ari ng naturang tindahan at sinabing napansin niyang mabait itong tao kung kaya naman nais niya sanang iwanan ang kaniyang aso sa kaniyang pangangalaga. Ngunit ilang minuto pa ang lumipas at tila nanggigilid ang luha ng aso.

Naramdaman niya yatang ipamimigaya na siya ng kaniyang amo sa ibang tao. Para bang nakikiusap ito kung maaaring huwag siyang iwanan at ipagkatiwala sa iba.

Bakas din naman sa mukha ng lalaki na ayaw niyang umalis at iwanan ang kaniyang alagang aso ngunit wala itong ibang magawa. Wala na kasi siyang trabaho at wala na rin siyang bahay na matutuluyan.

Kailangan niyang magtungo sa ibang lugar at hindi niya maaaring isama ang kaniyang alaga sa lugar na iyon. Tunay nga na napakasakit makakita ng ganitong klase ng sitwasyon sa pagitan ng amo at ng kaniyang alaga.

Updated: July 26, 2022 — 5:53 am

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Akopium - One of The Best News Article Site » opy; 2022 Frontier Theme