Akopium - One of The Best News Article Site » Your Hot News Community in India ✅

Discover day by day incredible news and grate articles come with ✅ Your Community - Akopium India

Isang aso ang araw-araw naghihintay sa dalampasigan para sa kaniyang amo na mangingisda ngunit kailan man ay hindi na ito magbabalik pa!

Umantig sa puso ng maraming mga netizens ang kwento na ito ng asong si Vaguito. Araw-araw siyang nagtutungo sa dalampasigan ng Punta Negra, Peru dahil hinihintay niya ang kaniyang amo na isang mangingisda.

Isang Peruvian woman na nakilala bilang si Jolie Mejia ang nagbahagi ng kwento niyang ito sa social media na talaga namang nagpaluha sa publiko. Madalas daw kasing makita ni Jolie si Vaguito na nakatanaw sa malayong bahagi ng karagatan.

Hindi mukhang asong ligaw si Vaguito kung kaya batid ni Jolie na mayroong pamilyang nag-aalaga sa aso. Ilang minuto pa ang nakalipas at tila walang dumarating upang kuhanin o kumustahin man lang ang aso.

Maya-maya pa ay mayroong lalaki na lumapit sa kaniya at ikinuwento nga ang nakakalungkot na istorya ni Vaguito at ng kaniyang amo. Ayon sa kwento ng lalaki, kilalang-kilala ng mga residente sa lugar si Vaguito noon pa man.

Sa ngayon ay nakatira na siya sa isang malapit na bahay sa dalampasigan kasama ang babaeng nag-aalaga sa kaniya ngunit noon ay pagmamay-ari talaga siya ng isang lalaking mangingisda. Ang mangingisda na ito ay nasawi sa dagat ilang taon na rin ang nakalilipas.

Palaging hinahatid ni Vaguito ang kaniyang amo at hinihintay ang pagbabalik nito mula sa laot. Ngunit isang araw ay naganap nga ang trahedya na naging dahilan upang masawi ang kaniyang amo at hindi na magbalik pa kailan man sa lugar na nakasanayang paghintayan ni Vaguito.

“He told us that the dog had lived with a fisherman who passed away some time ago, and that, since then, he comes here every day and looks at the sea, waiting for him to come back,” pahayag ni Jolie Mejía.

Talaga namang naantig ang marami sa kwento na ito dahil sa umaasa pa rin si Vaguito na isang araw ay muli niyang masisilayan ang kaniyang amo. Nakakalungkot man ngunit hanggang ngayon ay talagang umaasa at naghihintay pa rin ito sa tabing-dagat araw-araw.

Updated: August 3, 2022 — 5:16 pm

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Akopium - One of The Best News Article Site » opy; 2022 Frontier Theme