Akopium - One of The Best News Article Site » Your Hot News Community in India ✅

Discover day by day incredible news and grate articles come with ✅ Your Community - Akopium India

Isang aso na mayroong pinakamahabang nguso sa buong mundo, kilalanin!

Noon ay hindi marahil uso ang pagkakaroon ng mga alagang hayop o pets na mayroong iba’t-ibang breed o lahi. Ngunit sa ngayon, marami na rin sa ating mga Pilipino ang nag-aalaga ng iba’t-ibang lahi ng mga aso at pusa.

Maging mga exotic na uri ng alagang hayop ay mayroon na ring nagkakainteres dito sa ating bansa. Talaga naman kasing nakakapagpasaya sila at nakapagpapagaan ng kalooban lalo na sa mga taong pagod sa ekswela, sa trabaho o sa mga personal nilang problema.

Isa na marahil sa mga kilalang lahi o dog breed sa buong mundo ay ang mga Borzoi hounds. Isa sa mga pisikal na katangian nila ay ang pagkakaroon ng mahabang nguso.

Ngunit kamakailan lamang ay mayroong pumukaw sa atensyon ng publiko na tinaguriang “world’s longest snout” na mayroong haba na 31 sentimetro. Ang dalawang taong gulang na si Eris ay isang kulay puti na Borzoi Sighthound mula sa Richmond, Virginia.

Maraming mga netizens ngayon ang kinagigiliwan si Eris matapos ibahagi ng kaniyang amo na si Lily Kambourian ang ilan sa kaniyang mga larawan. Noon una ay talagang marami ang nagulat dahil sa kakaiba talaga ang haba ng nguso ni Eris at ng kaniyang mga kapatid ngunit ito pala ay isang “genetic defect” na kung tawagin ay “overbite”.


Mayroon na sila nito mula pa noong sila ay isinilang ng kanilang ina.

“Eris was born to a litter of three in Keysville, Virginia. When we went to go visit the puppies, it was apparent they might have an overbite,” Pahayag ni Lily.

“This would rule them out for any dog shows as it is a genetic defect. But that didn’t bother us. She came right up to us and sat on my partner’s lap.” Dagdag pa niya.

Updated: August 3, 2022 — 5:18 pm

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Akopium - One of The Best News Article Site » opy; 2022 Frontier Theme