Akopium - One of The Best News Article Site » Your Hot News Community in India ✅

Discover day by day incredible news and grate articles come with ✅ Your Community - Akopium India

Isang asong bulag at gutom na gutom na naghihintay na lamang na matuldukan ang kaniyang buhay, nakaranas pa ng himala sa huling pagkakataon!

Likas pa rin sa marami sa atin ang pagtulong sa mga nangangailangan, kapwa man natin ito o di kaya naman ay mga hayop na inabandona. Nakakalungkot malaman na marami pa rin palang mga tao ang nag-aabandona na lamang basta-basta ng kanilang mga alagang hayop.

Kamakailan lamang ay mayroong natagpuan na hayop na nasa mahirap na sitwasyon ang isang staff ng Lucky Dog Refuge sa Stanford City, Connecticut, sa USA. Natagpuan niya ang aso na si Halo sa kalagitnaan ng kagubatan.

Sa unang tingin pa lamang ay wala nang paningin ang kawawang aso. Maliban sa kaniyang kalagayan ay halata ring gutom na gutom na ito.

Buti na lamang at sa kahuli-hulihang pagkakataon ay nabigyan pa ng panibagong buhay si Halo. Sobrang payat ng aso na ito nang matagpuan siya matapos siyang abandonahin ng kaniyang mga amo.

Ngunit makalipas lamang ang maiksing panahon na nabigyan siya ng atensyon, pagmamahal, pagkalinga, ice cream na mula sa McDonald’s ay tila nagbalik agad ang dati niyang sigla. Ang mabuting Samaritana na nakatagpo kay Halo ang nagpangalan sa kaniya.

Ang “Halo” ay nangangahulugang “Aureola” sa Espanyol. Ang unang naging desisyon nila para kay Halo ay i-euthanize ito kung sakaling hind imaging maayos ang kaniyang kondisyon. Ngunit dahil na rin sa isang himala ay talagang bumuti ng bumuti ang kaniyang kalagayan.


“The dog is making progress in her recovery and has turned out to be very playful, loving, and intelligent, despite her visual impairment. She loves to devour her ice cream lying on her favorite couch,” Pahayag ng kaniyang nanny.

Tunay nga na hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa dahil darating at darating din ang tamang pagkakataon at ang tamang tao sa ating buhay. Tulad na lamang ng anghel na siyang nagligtas kay Halo mula sa tiyak na kapahamakan.

Sa ngayon ay masaya na silang namumuhay nang magkasama bilang isang pamilya.

Updated: July 31, 2022 — 3:42 am

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Akopium - One of The Best News Article Site » opy; 2022 Frontier Theme