Akopium - One of The Best News Article Site » Your Hot News Community in India ✅

Discover day by day incredible news and grate articles come with ✅ Your Community - Akopium India

Isang bibe, namataang niyakap ng kaniyang mga pakpak ang isang nilalamig na tuta na diumano ay inabandona ng mga nagmamay-ari dito!

Kung pagkakaibigan lang naman ang pag-uusapan, madalas na naririnig natin ang mga katagang “Birds of same feather flock together.” Ayon sa mga katagang ito, madalas na nagiging magkaibigan ang mga taong mayroong magkakatulad na interes o ugali.

Napakadalang naman kasi talaga na magkaroon tayo ng kaibigan na mayroong kabaligtaran ng ating mga katangian o interes dahil talagang hindi tayo magkakasundo. Ngunit para sa dalawang hayop na ito – isang bibe at isang tuta – tila ba nagkaroon sila ng maasahang kaibigan sa isa’t-isa.

Marami ang nakapansin sa kanilang mga larawan online kung saan makikita ang bibe na tila ba nakayakap ang kaniyang mga pakpak sa tuta. Inabandona na raw kasi ng kaniyang mga amo ang kawawang tuta na ito sa lansangan at nang makita nito ang bibe ay agad itong yumakap dito.

Talaga namang nakakatuwa ang pangyayari na ito dahil magkaiba ang uri ng mga hayop na ito kung kaya naman hindi talaga natin aakalain na magkakasundo sila. Halimbawa na lamang ang aso at pusa na bagamat mayroong apat na mga paa pareho ay madalas pa ring nag-aaway.

Samantalang ang bibe at asong ito ay tila ba magkasundong-magkasundo at komportable sa isa’t-isa. Hindi lamang dito nagtatapos ang kanilang pagiging malapit dahil tila hinahimas-himas din ng bibe ang ulo ng tuta sa pamamagitan ng kaniyang tuka!


Marahil ay naramdaman ng mabait na bibe ang kasalukuyang nararamdaman ng tuta ng mga oras na iyon. Para sa marami sa atin, napakasarap sa pakiramdam na makahanap ng isang tunay na kaibigan sa katauhan ng ating kapwa-tao.

Ngunit hindi lamang mga tao ang maaari nating maging kaibigan dahil maging tayo ay mayroon ding mga kaibigang hayop na talaga namang maaasahan natin sa maraming pagkakataon. Tulad na lamang halimbawa ng mga aso na tinagurian ding “Man’s bestfriend”.

Mayroon din tayong mga alagang pusa, ibon, isda, rabbit, hamster, at marami pang iba na siya namang nagbibigay sa atin ng kaligayahan sa tuwing tayo ay nalulumbay.

Updated: July 30, 2022 — 5:44 am

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Akopium - One of The Best News Article Site » opy; 2022 Frontier Theme