Akopium - One of The Best News Article Site » Your Hot News Community in India ✅

Discover day by day incredible news and grate articles come with ✅ Your Community - Akopium India

Isang loyal na aso, niyakap at hindi iniwanan ang kaniyang amo nang maaksidente ito!

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang mga katagang “Dogs are man’s best friend”. Marami na ring mga kwento ang ating nababasa patungkol sa pagiging loyal ng mga asong ito sa kanilang mga amo.

Halimbawa na lamang ang isang asong ito mula sa Argentina. Talagang napatunayan nito ang pagiging tapat niya sa kaniyang amo.

Ang naturang aso ay nakilala bilang si Tony. Nang minsang maaksidente ang kaniyang amo ay talagang hindi niya ito iniwanan at niyakap niya ito nang husto.

Ang kaniyang amo ay si Jesus Hueche, nagtatabas at nagpuputol siya noon ng puno sa kanilang hardin nang bigla na lamang siyang nahulog at tumama ang ulo sa semento. Nawalan siya ng malay ng mga panahong iyon.

Buti na lamang at kaagad siyang nakita ng kaniyang pamilya at mga kapitbahay. Gayundin naman ay agad siyang pinuntahan ng alaga niyang si Tony.

Makikita sa kanilang mga larawan kung paanong hindi siya iniwanan ng kaniyang aso, nakayakap pa talaga ito sa kaniya dahil sa takot na mawala ang kaniyang amo. Kahit pa nga raw dumating na ang mga paramedics ay hindi pa rin umaalis sa kaniyang pwesto si Tony.

Nang magkaroon na ng malay si Jesus ay napansin niyang labis na nag-alala sa kaniya ang alagang si Tony kung kaya naman tinapik-tapik niya ang likod nito upang kahit papaano ay mahimasmasan din ito. Kahit pa nga dadalhin na si Jesus sa loob ng ambulansiya ay nakayakap pa rin sa kaniya si Tony.

Hindi nagtagal at naisakay naman ng maayos at matagumpay si Jesus sa ambulansiya. Hindi rin naman siya nagtagal sa ospital dahil hindi naman malala ang kaniyang naging sitwasyon kung kaya pinalabas na rin siya kaagad ng ospital.

Maraming mga netizens din ang talagang nakapansin sa mga larawang ito ni Jesus at Tony na nagpapatunay lamang kung gaano talaga ka-loyal ang mga alaga nating hayop.

Updated: August 4, 2022 — 6:25 pm

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Akopium - One of The Best News Article Site » opy; 2022 Frontier Theme