Akopium - One of The Best News Article Site » Your Hot News Community in India ✅

Discover day by day incredible news and grate articles come with ✅ Your Community - Akopium India

Isang mabuting Samaritano na palaging nagpapakain sa mga ligaw na aso at pusa sa tabi ng kaniyang tindahan, hinangaan ng publiko!

Batang musmos pa lamang tayo, tiyak na tinuturuan na tayo ng ating mga magulang nang pagtulong sa ating kapwa – sa mga nakatatanda sa atin, mga buntis, mga mayroong kapansanan, o kahit sa ating mga kapamilya at kaibigan. Isa ito sa pinakaunang mabuting asal na ating natutunan mula sa ating mga magulang.

Sa panahon natin ngayon, tila marami na rin ang nakakaligtaang tumulong sa kanilang kapwa bagkus ay mas nagiging pokus na lamang sa kanilang mga sarili. Ngunit para sa butcher na si Ikram Korkmazer, ang pagtulong ay ginagawa niya hindi lamang para sa kaniyang kapwa tao kundi para na rin sa mga hayop na nangangailangan ng tulong.

Ang video kung saan makikita ang pagtulong niyang ito ay mayroon nang higit sa 5.7 milyong views, mahigit 12,000 na mga komento, at mahigit sa 422,000 na mga reaksyon. Dito ay makikita kung paano niya bigyan ng makakain ang mga ligaw na aso at mga ligaw na pusa sa kanilang lugar.

Talaga namang masayang masaya ang mga aso sa tuwing lalabas siya ng kaniyang tindahan bitbit ang kanilang pagkain. Kung nakakapagsalita lamang ang mga aso at pusa na kaniyang tinutulungan at pinapakain, tiyak na labis labis na pasasalamatan ang sasambitin ng mga ito sa kaniya.

Nakakalungkot lamang talaga dahil sa panahon natin ngayon ay problema pa rin ng ilang mga bansa ang pagkakaroon ng malaking bilang ng mga abandonadong hayop tulad ng aso at pusa. Buti na lamang at mayroon pa ring mga taong tulad ni Ikram Korkmazer na hindi alintana ang pagtulong sa mga hayop na ito.

Sana ay mas marami pang mga tao ang maging responsable pagdating sa pag-aalaga ng kanilang mga hayop. Marahil kung mas magiging disiplinado at responsable tayo ay mababawasan ang mga hayop na aalagaan at papakain ng mga mabuting samaritanong tulad ni Ikram Korkmazer.

Tunay ngang saludo ang marami sa mga taong walang sawa ang pagtulong sa kanilang kapwa at maging sa mga hayop na ito.

Updated: August 2, 2022 — 4:02 pm

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Akopium - One of The Best News Article Site » opy; 2022 Frontier Theme