Akopium - One of The Best News Article Site » Your Hot News Community in India ✅

Discover day by day incredible news and grate articles come with ✅ Your Community - Akopium India

Isang matalinong pusa, ginabayan ang isang naliligaw na hiker pababa sa isang bundok sa Switzerland!

Isang araw sa Gimmelwald, Switzerland mayroong isang lalaki na naliligaw habang nagte-trek. Buti na lamang at mayroong isang matalinong pusa na lumapit sa kaniya at agad na itinuro ang tamang daan.

“Gimmelwald is a tiny, tiny, stunningly beautiful village. I actually got “lost” in the surrounding mountains. It was the end of ski season when I got to Lauterbrunnen so the lifts weren’t working and some of the trails were closed”, pahayag ng naturang lalaki.

Sinubukan din daw niyang mag-“detour” sa ilang bundok bago pa man niya sundan ang mga ski lifts ngunit nakita na lamang niya ang kaniyang sarili na naliligaw pa rin. Pilit niyang tinitingnan ang kaniyang dalang mapa ng mga posibleng daan sana pabalik sa kaniyang tinutuluyang hostel ngunit ang tanging daan na naroroon ay sarado na.

Dito na niya nakilala ang pusa na tumulong sa kanila. Nang mga oras na iyon ay binabalak niyang mamahinga muna dahil sa tinamo niyang “sprained ankle”.

Laking pagtataka ng hiker dahil nang subukan niyang tumayo at bumalik muli sa paghahanap niya ng daan ay dito na siya ginabayan ng matalinong pusa na tila ba itinuturo na sa kaniya ang tamang daan pabalik. Napakabait din daw ng pusang ito at tila ba sanay na sanay na humarap sa mga estrangherong tulad niya.

Nang matapos naman ang video na kuha ng naturang lalaki ay naghiwalay na rin sila ng pusang ito. Bumaba na siya habang ang pusang ito naman ay bumalik sa lugar kung saan marahil siya nakatira.
Nang kumalat naman sa social media ang video na ito, marami ding mga netizens ang nagkomento at nagpahayag ng sarili nilang mga karanasan sa naturang lugar. Minsan din daw silang naligaw at tinulungan ng mabait at matalinong pusa na ito.

Dahil din daw sa pusa na ito ay mas na-enjoy nila ang kanilang pamamasyal sa bundok na ito kasama ang kaniyang pamilya at mga kaibigan.

Updated: August 6, 2022 — 11:19 am

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Akopium - One of The Best News Article Site » opy; 2022 Frontier Theme