Akopium - One of The Best News Article Site » Your Hot News Community in India ✅

Discover day by day incredible news and grate articles come with ✅ Your Community - Akopium India

Isang pating ang palaging lumalapit sa diver na ito sa tuwing siya ay sisisid dahil gustong-gusto nito ang makipag-cuddle sa kaniya!

Sa tuwing makakarinig tayo ng salitang “cuddle”, marahil ang unang papasok sa ating isipan ay mga malalambot na stuffed toys tulad na lamang halimbawa ng mga teddy bears o di kaya naman ay ang mga alaga nating aso o pusa. Talaga namang nakakarelaks ang mga ito hindi ba?

Ngunit paano kaya kung isang pating ang nais na makipag-cuddle sa iyo, matatakot ka ba o hindi? Si Rick Anderson ay mayroong best friend na Port Jackson shark.

Isa itong female shark na mayroong mga marka sa kaniyang katawan. Ang mga marka na ito ang siyang naging palatandaan ni Rick upang makilala ang kaniyang matalik na kaibigan.

Sa tuwing sisisid siya sa ilalim ng dagat ay talagang palaging naroroon ang kaniyang kaibigan na tila ba naghihintay sa kaniyang pagdalaw. Wala pang pangalan ang pating na ito na mamamataan sa baybayin ng Nobbys Beach sa New South Wales, Australia.

Ayon kay Rick bata pa lamang daw ang pating na ito ay talagang naglalaro na sila hanggang sa maging palagay ang loob nila sa isa’t-isa.

“I still cuddle with her when I have the opportunity. She is fit healthy and going strong. Always beautiful.” Pahayag ni Rick.


Marami sa mga kasamahan ni Rick ang labis ding namangha sa pagkakaibigan nilang ito ng pating dahil hindi naman daw pinapakain ni Rick ang naturang pating. Nakikipaglaro siya dito na tila ba isang amo sa kaniyang alagang aso.

Sa loob ng mahigit isang dekada ay naging mas malapit pa sila sa isa’t-isa. Mahigit 30 taon na rin na nag-i-scuba diving si Rick at ngayon nga ay mayroon na siyang sarili niyang dive school.

Ninais niyang ibahagi sa publiko ang kwentong ito upang mabawasan ang takot ng mga tao sa mga pating. Hindi raw tama na ang tingin natin sa mga pating ay mga hayop na naghihintay lamang ng sariwang dugo at laman sa ilalim ng karagatan dahil ang katotohanan ay mababait at palakaibigan din naman ang ilan sa kanila.

Updated: August 5, 2022 — 10:11 am

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Akopium - One of The Best News Article Site » opy; 2022 Frontier Theme